2gether The Movie, mapapanood sa Pilipinas pagkatapos ng Japan at Thailand?


-Sa Japan unang inilabas ng GMMTV at Asmik Ace ang 2gether The Movie

- Ipapalabas na rin ito sa Thailand ngayong November 11

-KTX, naghahanda na para sa malaking pasabog

Nakilala at sumikat ang tambalang 'BrightWin', ang ship name ng Certified Kapamilyas na sina Bright Vachirawit at Win Metawin, nang sumikat nang husto ang kanilang BL romance drama na nagpakilig sa buong bansa. Pinamagatan itong '2gether The Series' na nagbigay daan upang mas lalo pang lumakas ang mga Boys' Love series sa bansa.

Sa tindi ng pagkasikat ng nasabing series, napukaw rin ang atensiyon ng Dreamscape Entertainment. Ang television production company at entertainment division ng ABS-CBN Corporation. Nabigyan ito ng Tagalog dubbed at pati na rin ang sequel nitong 'Still 2gether' na siya namang offering ng The First and True Home of Asianovelas para sa kanilang 18th year Anniversary.

Pagkatapos mabigyan nang husto ng pansin ng tao ang sikat na Thai BL series na 2gether at Still 2gether, ini-reveal ng GMMTV na bibigyan nila ng pelikula ang buhay nina Sarawat at Tine, ang bida sa series.

Una na ngang napanood ng mga Japanese fans ng Brightwin ang kanilang movie noong June 4 at dapat sana'y ipapalabas na rin ito sa mga sinehan ng Thailand noong April 22, 2021 ngunit dahil sa tindi ng COVID-19 sa Thailand, hindi ito natuloy. Ngayon naman, November 11 na ang official release date ng 2gether The Movie sa Thailand.

Kung Pilipinas naman ang tatanungin, wala pang official release date para dito pero may pahiwatig ang KTX, ang leading digital event portal sa Pilipinas, tungkol sa BrightWin movie starrer na 2gether The Movie.

Post a Comment

Previous Post Next Post