Alexa Ilacad, ibinahagi ang matinding pagsubok na pinagdaraanan sa kaniyang buhay

- Ibinahagi ni Alexa ang matinding pinagdaraanan niya kay Big Brother 

- Naglabas ito ng kaniyang saloobin tungkol sa kanyang insecurities sa sarili

- Pagkatapos ipatingin ni Kuya sa isang Psychologist-Psychiatrist, may mental health issue pala si Alexa

Bilang official Housemate sa pang-sampung season ng Pinoy Big Brother, sumasabak sa iba't-ibang tasks si Alexa Ilacad na ibinibigay naman ni Big Brother.

Nakilala si Alexa sa kiddie gag show na Goin' Bulilit at huling nakita sa isang teleserye sa 'Init Sa Magdamag'. Matapos magtapos ang nasabing serye, napapanood natin ulit siya sa ABS-CBN reality show na 'Pinoy Big Brother'.

“All my life lalo na growing up in the industry, all I’ve been hearing is ang taba mo, magpapayat ka…wala kang project kasi mataba ka.” ang saad ni Alexa kay kuya sa loob ng confession room.

“That stuck in my head forever. Kahit si Justin Bieber pa magsabi sakin na ang ganda-ganda ko o ang ganda ng katawan ko hindi ko siya kayang paniwalaan.” dagdag pa niya.

Dahil sa pinagdadaanan ni Alexa, minabuting tumawag si kuya ng isang Psychologist-Psychiatrist ng PBB na si Dr. Randy Dellosa.

Dito napag alaman ni Alexa na mayroon siyang “body dysmorphia”. Ito ay ang kundisyon kung saan “one worries too much about defects in his/her appearance.”

Inamin din ni Alexa na hindi niya maiiwasang ipagkumpara ang sarili niya sa iba.

Post a Comment

Previous Post Next Post