Bakit nagtipon tipon ang Grab Riders sa harap ng bahay ni Kuya?

- Usap-usapan ngayon ang ibinahaging litrato ng mga Grab riders

- Nasa harapan sila ng Pinoy Big Brother house

- Para ito sa weekly task ng mga housemates patungkol sa online selling ng kanilang itinitinda

Viral ngayon sa twitter ang litrato kung saan makikitang tila nagtipon tipon ang mga Grab riders sa harap ng bahay ni Big Brother.

Sa ibinahaging tweet ni @rency0722 ay makikita nga ang mga Grab riders sa harapan ng Big Brother house, "Aga-aga, daming pina-Grab ni Kuya ha!," caption pa nito.


Ito ay upang kunin at i-deliver ang mga orders mula sa ibinibentang pagkain ng celebrity housemates ni kuya.

Para sa kanilang weekly task ay magtitinda ang celebrity housemates ng kanilang best dish na Ramen at Sisig.

Magandang inisyatibo ito mula sa PBB dahil bukod sa nabusog na ang ilang masugid na fans na bibili ng mga ito ay makaka tulong pa sila sa mga Grab riders na nagta trabaho ng matiwasay.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Season 10 Kumunity Celebrity Edition gabi gabi.

Post a Comment

Previous Post Next Post