Barbie Imperial nilinaw ang patutsada ni Xian Gaza sa kanila ni Diego Loyzaga

- Sa isang ekslusibong panayam ay nilinaw nk Barbie Imperial ang mga patutsada sa kanila

- Sa isang post ni Xian Gaza ay ibinunyag nito na nagkaroon umano ng malalang pisikal na awayan sina Barbie at Diego

- Pinabulaanan lahat ito ni Barbie Imperial

Sa patuloy na paglalabas ni Xian Gaza ng mga chika sa showbiz ay ibinunyag nito na nagkaroon di-umano ng malalang pisikal na awayan sina Diego at Barbie.

Ani pa ni Xian Gaza na kaya umano may pasa si Barbie at sugat si Diego ay dahil nga ito sa kanilang naging awayan.

At sa isang exclusive interview with PUSH ay pinabulaanan ni Barbie ang lahat ng ito.

Sinabi ni Barbie na walang katotohanan ang mga sinasabing ito ni Xian Gaza.

“Walang katotohanan ang sinabi ng tao na ‘yun kahit isa. So parang kami, ‘Ito ang nangyari sa kamay ko ganito ganyan. Kasi ‘yung kamay ni Diegs, sa gym talaga siya nangyari and ako mismo nagdala sa hospital sa kanya… 

“Kasi ang labo talaga na ipag-coconnect mo lang ‘yung photos tapos may ganito lang sa hand, may pasa. Bakit? Hindi ba ako pwedeng magkapasa sa ibang bagay? Bakit ‘yung boyfriend ko lang na sobrang mabuti, sobrang bait, sobrang tini-treat ako ng maayos. Bakit siya ‘yung paghihinalaan na ginawa niya ‘yun na akin?," pahayag ni Barbie.

“And then nu’ng nangyari na may nagta-try na siraan kami na ito daw ginagawa ni Diego, may ganito daw si Diego. Parang, ‘Okay. ‘Yun na ‘yun?’ Parang ‘yun na ‘yung bala niyo para siraan kami ni Diego?’ Masyadong matibay ‘to para sa ganu’n," dugtong pa nito.

Nauna ng nag post sina Barbie at Diego ng mga sweet photos nila sa isa't-isa na nagpapakita ng tila maayos namang relasyon nila.

Post a Comment

Previous Post Next Post