Brenda may bagong patutsada kay Alexa, "Wala namang ambag, puro ganda lang loveteam loveteam lang"

- Trending at usap-usapan muli ngayon ang tila pang ba backstabb ni Brenda kay Alexa

- Ani ni Brenda na wala umanong ambag si Alexa sa lahat ng housemates

- Hindi ito ang unang beses na sinabi ito ni Brenda, maka ilang beses niya rin itong ichinismis sa iba

Usap-usapan ngayon sa social media ang patuloy na tila pagtirada ni Brenda Mage sa kaniyang co housemate na si Alexa Ilacad.

Sa isang panibagong trending video ay pinag-uusapan nila ni Madam Inutz na wala raw umanong ambag si Alexa sa lahat.

Diretsong sinabi rin nito na puro lamang ito ganda at iyak-iyak, at luma loveteam lamang umano.

"Puro lang siya music, wala na siyang ambag dito.. sa grupo nila iyakin siya, wala siyang nagagawa.. wala siyang ambag.

"Wala siyang silbi, ganda lang.. sa HOH lagi siyang lampa, sa lutuan naman walang kwenta.. yun lang ambag niya, loveteam loveteam," ani ni Brenda.

Hindi ito ang unang beses na ichinismis ni Brenda si Alexa sa ibang housemates, matatandaang makailang beses niya na rin sinabing tila nagsisinungaling umano si Alexa sa nararamdaman niya.

Sinabi rin ni Brenda noon na tila raw nilalapitan niya lamang si Eian upang magka loveteam upang lumakas sa manonood.

Panoorin ang video rito:

Anong masasabi mo sa panibagong patutsadang ito ni Brenda kay Alexa?

Post a Comment

Previous Post Next Post