Chad Kinis isa ng ganap na Ama?, ipinasilip ang baby nila na bagong miyembro ng kanilang pamilya

- Masayang ibinahagi ni Chad Kinis ang bagong miyembro ng kanilang pamilya

- Ito sy Baby Rica Lorice na bida ng kaniyang latest vlog

- Naging madamdamin ang pagpapaliwanag ni Chad kung bakit nga ba siya naging ama nito

Sa latest vlog ng kumedyanteng si Chad Kinis ay ibinahagi nito ang masayang pangyayari sa kaniyang buong pamilya.

Ito ay ang pagdating ng pinaka bagong miyembro ng kanilang lumalaki pang pamilya na si Baby Rica Lorice.

Agad na tinawag ni Chad Kinis bilang anak si Baby Rica Lorice.

Sa nasabing vlog nga ay ipinakita ni Chad na mula Maynila ay tumungo siya ng Batangas upang personal na makita at mayakap ang kaniyang baby Rica.

Sa pagdating niya sa hospital ay emosyonal na ibinahagi ni Chad ang buong kuwento kung bakit nga ba siya ang maituturing na ama ni Baby Rica.


Ani ni Chad na si baby Rica ay anak ng panganay nilang kapatid na sa kasamang palad ay nabuntis ng kaniyang boyfriend ngunit hindi naman ito pinanagutan.

Naibahagi pa nga ni ate Laarnie, panganay na kapatid no Chad, na noong una ay ayaw niyang ipaalam ang buong pangyayari kay Chad ngunit dahil sa likas na pagiging mabait raw ni Chad ay agad siya nitong tinulungan matapos na malaman ang sitwasyon niya.

Panoorin ang kabuuan dito: 

Post a Comment

Previous Post Next Post