Claudine Barretto ibinahagi sa IG ang galit sa isang hospital, "Parang sasabog na dibdib ko!"

- Nagbahagi ng kaniyang saloobin si Claudine Barretto sa kaniyang Instagram account

- Galit na galit siya dahil sa hospital emergency na hindi umano siya inasikaso agad

- Binura rin naman ni Claudine ang naturang video matapos ang ilang oras

Galit na nagbahagi ng kaniyang saloobin si Claudine Barretto sa kaniyang Instagram account patungkol sa kaniyang naranasan.

Ani ni Claudine sa video ay sobrang nakakaramdam na siya ng sakit kaya naman minabuti na niyang tumakbo sa emergency upang agad na mabigyang lunas ang iniindang sakit.

Ngunit inabot na umano ng mahigit sa dalawang oras ay hindi siya inasikaso man lang ng mga nurse o doctor ng hospital.

"Hello my palanggas and Claudinians. I just had to share this with you kasi talagang parang sasabog na ang dibdib ko. 

"I've been waiting for more than an hour. For almost two hours. Kaya nga emergency kasi dapat mabilis di ba. Because I'm feeling so much pain. 

"May sharp shooting pain ako sa stomach ngayon. And my whole body is aching. So they made me wait. And then ang tagal nung doctor na umattend sa akin," buong pahayag ni Claudine.

Binura rin naman ni Claudine ang naturang video makalipas ang ilang oras.

Post a Comment

Previous Post Next Post