Dawn Chang si Chie Filomeno nga ba ang pinaparinggan sa kaniyang tweet?,

- Viral at usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Dawn Chang patungkol sa PBB

- Nitong sabado kasi ay nag trending ang naging pahayag ni Madam Inutz patungkol kay Chie

- Sa tweet naman ni Dawn ay sinabihan niya ang housemates na huwag maging pabebe

Viral at usap-usapan ngayon ang naging pahayag ng dating PBB Housemate at Girltrend member na si Dawn Chang.

Bago ang naturang pahayag ay naging usap-usapan na rin nitong sabado ang naging pahayag ni Madam Inutz matapos niyang i-nominate si Chie Filomeno.

"Binibigyan ko ng 2 pts. si Chie. Ready na s'ya, ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa, wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda," rason ni Madam Inutz sa pagno nominate niya kay Chie.

Samantala matapos nga ang episode na ito ay naglabas ng kaniyang saloobin si Dawn Chang patungkol sa mga kasalukuyang housemates ni Kuya.

"Housemates, ang ibig sabihin ng PBB ay Pinoy Big Brother. Hindi PaBeBe. Contest yang sinalihan nyo hindi retreat," ani ni Dawn sa kaniyang tweet.

"Sa totoong buhay, mas malaking chance na magsurvive ang mga lumalaban kesa sa nagpapaawa. So laban! Kahit ano pang sabihin nila laban!," dugtong na tweet pa ni Dawn.

Marami ang nagsasabi na tila pinatatamaan ni Dawn Chang si Chie Filomeno dahil sa mga sinabi niyang ito, may iba naman na marahil ay si KD Estrada ang kaniyang tinutukoy.

Matatandaang nagkasama na noon sina Dawn Chang at Chie Filomeno bilang mga miyembro ng Girltrends ng It's Showtime.

Post a Comment

Previous Post Next Post