Heaven Peralejo, inalmahan ang isang showbiz page dahil sa maling impormasyon nito

- Trending kamakailan ang patungkol sa outing nina Heaven at Kimpoy

- Sa isang showbiz page post ay napagkamalang si Heaven ang kayakap ni Kimpoy

- Pinuna ito ni Heaven na ikinahingi ng tawad ng showbiz page

Trending at naging usap-usapan kamakailan ang mga litratong ibinahagi ng social media influencer na si Kimpoy Feliciano.

Sa mga litrato ay makikitang kasama niya si Heaven Peralejo at iba pang mga kaibigan, sa isang partikular na litrato ay makikitang may kayakap na babae si Kimpoy na inakala ng marami ay si Heaven Peralejo.


Ibinahagi ito ng Showbiz page na "The Scoop" kung saan tila ba napagkamalan din nila na si Heaven Peralejo ang kayakap ni Kimpoy.

Sa kaniyang Instagram story ay ibinahagi nito ang screenshot ng post kaakibat na rin naman ang paghingi ng patawad ng naturang page sa nagawa nilang pagkakamali.


"marites ypu had one job," ani pa ni Heaven sa kaniyang caption.

Ang babae sa litrato na kayakap ni Kimpoy ay ang isa pa niyang kaibigang babae, at hindi si Heaven Peralejo.

Post a Comment

Previous Post Next Post