Ina ni AJ Raval nagparinig na!, "Hayaang tumahol ang aso, aso yan eh!"

- Sa kaniyang facebook account ay naging makahulugan ang mga post ng ina nu AJ Raval

- Ani nito na maraming aso ang di-umano'y tahol ng tahol 

- Hinuha ng netizens na maaaring parinig niya ito sa kasalukuyang isyu ng anak

Usap-usapan ngayon ang tila makahulugang pagpaparinig ng ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez sa kaniyang social media account.

Sa isang facebook post nga ay nagbahagi ng mensahe si Alyssa at sinabing maraming aso ang tumatuhol.

"Hayaang tumahol Ang aso, aso yan eh. Alangan naman ngumeow yan.. Kaloka Ang ingay. Dibale titigil din yan pag napagod," post nito.

Matapos nito ay nagbahagi pang muli ito ng isa pang mensahe na tila raw naghakot pa ng ibang kasapi ang tumatahol na mga aso.

"di Ako nakatulog sa tahol ng aso. Ngayong nagising Ako dahil nag hakot ng iba pang aso yung animal na yun. Madami na sila. Ayaw tumigil.teka..lalabas Ako. Papakainin ko," post nito.

Hinuha ng netizens na malamang ay parinig umano ito ng ina ni AJ sa kakatapos lamang na tell all interview ni Barbie Imperial.

Matatandaang nag tell all o inilahad ni Barbie Imperial ang lahat patungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga at sinabing walang anumang relasyon ito kay AJ Raval.

Post a Comment

Previous Post Next Post