Janine Gutierrez at Rayver Cruz, naghiwalay na nga ba?

- Usap usapan ngayon ang di-umano'y paghihiwalay ng magkasintahang Janine at Rayver

- Kinumpirma ito ng kolumnistang si Jun Lalin sa kaniyang artikulo

- Ayon dito ay dahil sa pagiging busy ng bawat isa sa career ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan

Usap-usapan ngayon ang di-umano'y paghihiwalay ng magkasintahang sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Ayon sa inilathalang artikulo ni Jun Lanin, na isang showbiz columnist, ay hiwalay na nga ang dalawa ayon sa mapagkakatiwalaang source niya.

“Ang alam ko, isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver,” ang sabi umano ng source niya.

Hindi third party kundi ang kakulangan sa oras ng isa't-isa ang tinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan.

“Ang alam ko, kulang sa oras para sa isa’t isa sina Janine at Rayver, kaya ang kuwento rin sa akin, mutual ‘yung decision nila na maghiwalay na lang.

“Eh, ngayon kasi, dahil sa COVID-19 pandemic, lock-in ang mga project sa showbiz, kaya halos hindi na nagkikita sina Janine at Rayver.

“So, nauwi na sa hiwalayan ‘yung relasyon nila,” dugtong na balita pa ng NewsKo na isinulat ni Jun Lanin.

Matatandaang ngayong taon ng lumipat si Janine Gutierrez sa Kapamilya Network habang nasa Kapuso Network naman si Rayver Cruz.

Post a Comment

Previous Post Next Post