Lolit Solis pinayuhan si Vice Ganda sa bashers, "Hayaan mo silang pumutak"

- Nitong nagdaang araw lamang ay nagsalita si Vice Ganda laban sa walang tigil na namba bash sa kaniya

- Sa kaniyang Instagram account naman ay nagbigay ng payo si Lolit Solis kay Vice Ganda

- Ani nito ay mas makabubuting wag na lamang pansinin ni Vice ang mga bashers

Nitong mga nagdaang araw lamang ay naglabas ng kaniyang saloobin si Vice Ganda sa mga walang tigil na namba bash la rin sa kaniya.

Ani ni Vice ay wala naman na siyang pakialam sa mga bashers niya, paliwanag nito na sa kabila ng masasakit na salitang ibinabato sa kaniya ay wala naman itong mga napapala, samantalang siya ay patuloy na kumikita sa kaniyang pagta trabaho.

Marami ang sumang-ayon sa naturang statement ni Vice laban sa bashers.

Samantala sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi naman ng payo niya ang batikang showbiz columnist na si Lolit Solis kay Vice patungkol pa rin sa mga bashers.

"Nasa limelight ngayon si Vice Ganda, Salve. Dahil pinatulan niya ang mga bashers, hayun ngayon at lalo siyang kinuyog. Kasi nga sa tutoo lang talagang nakakapikon kung minsan lalo na pag mga hindi magandang salita ang ginagamit nila. 

"Pero iyon iba, actually may matututunan ka rin. Pero talagang dapat hindi mo seryosohin. Pag napikon ka, ikaw ang affected. Pag nadala ka ng emosyon, iyan na, matatalo ka na. Laking squatter area ako, sanay ako sa masamang salita, pero siyempre you grow up adjust to your new environment, kaya masakit narin sa tainga makarinig ng mga ganuon salita. 

"So, in your life you encounter iyon masamang side mo nuon, dapat kaya mong dalhin iyon. Kung labanan siguro ng murahan, puwede din ako manalo, pero para naman hindi ka nabago, naka alis ka na sa squatter, babalik ka uli ? 

"Hayaan mo pumutak sila, meaning anduon parin sila sa pangit na puwesto ng buhay. Maawa ka na lang sa kanila. Dahil di pa sila nakakaahon. Ganuon lang iyon. See the bright side. 

"Ang sarap ng buhay, at ikaw lang ang puwede magpaganda nito. Hindi puwede idikta ng iba ang buhay mo, ikaw lang ang master of your fate. Bahala na sila Gorgy at Salve sa mga bashers, sila mga frontliners ko, bongga di bah!!," ani ni Lolit.

Post a Comment

Previous Post Next Post