Ogie Diaz nag react patungkol sa teacher na nag-tiktok at nais paimbestigahan ng DEPED

- Sa kaniyang facebook account ay nagbahagi ng kaniyang saloobin si Ogie Diaz patungkol sa viral teacher na sumayaw sa isang tiktok video

- Sinang-ayunan niya na mali talaga ang nagawa ng naturang guro 

- Samantala inihalintulad naman niya ang pangyayari laban sa mga mayayamang tao

Nag viral at naging usap usapan kamakailan ang isang tiktok video ng isang guro habang ito ay sumasayaw.

Pinuna ng ilang netizens na maaaring mag fall under child abuse ang naturang tiktok video ng guro na base na rin sa caption ay ibinabahagi nito ang gagawing pagpapa cute sa kaniyang estudyante.


Sa kaniyang facebook account naman ay nagbahagi ng kaniyang saloobin si Ogie Diaz na aniya ay mali talaga ang ginawa ng guro, ngunit sana'y patawan lamang ito ng warning at huwag tanggalan ng hanapbuhay.

"Mali naman talaga si Sir. Dapat lang kondenahin at bigyan ng sanction.

"Pero kung tutuusin mo, ganun lang yon, nagpa-cute lang, wala namang estudyante niyang nabalitaan tayo na na nag-claim na nag-take advantage si sir sa kanilang kainosentihan. 

"He was just trying to be cool, sumabay sa agos ng usong nagpapaguwapo sa tiktok, pero hindi siya aware na ito na nga ang ending ng kanyang career.

"Di ba pwede first offense, warning muna? Magtatanda naman na siguro si sir.

"Mawawalan ng trabaho ang guro, dahil sa malisyosong pagpapa-cute. Habang yung ibang pulitiko o government officials, parang normal na lang sa kanila ang corruption o anomalya, pero wala pa ring nakukulong.

"Pag maliliit na tao, kayang parusahan, pero pag malalaking tao, mamumuti na pubic hair mo, asa ka pa?," buong pahayag ni Ogie kaakibat pa ang hashtag na Sad Truth.

Sang-ayon ka ba sa opinyon ni Ogie Diaz?

Post a Comment

Previous Post Next Post