TJ Valderama gusto ng palabasin!, Shanaia Gomez nais na ma-protektahan ng netizens

- Naging usap-usapan ngayon ang tila sigaw ng netizens sa PBB Kumunity

- Nag trending ang Force Evict TJ dahil sa tila napapansin ng netizens

- Nais din ng netizens na maprotektahan si Shanaia Gomez

Trending at usap-usapan ngayon ang tila pagiging malapit di-umano ni TJ Valderama sa co-housemate nito na si Shanaia Gomez.

Sa twitter ay naging trending topics ang mga tags na 'Force Evict TJ' at 'Protect Shanaia' alinsunod sa mga eksenang nasaksihan ng mga netizens.

Kalat na kasi ngayon sa social media ang tila pagiging madikit ni TJ kay Shanaia, sa isang video ay mapapanood na nakalagay ang kamay ni TJ sa beywang ni Shanaia.

Sa isa pang video ay mapapanood na habang nagsisipilyo si Shanaia ay tila bineso beso siya ni TJ na ikinagulat ng dalaga.

Ano nga kaya ang susunod na mangyayari?, Anong masasabi mo sa ginagawang ito ni TJ?

Post a Comment

Previous Post Next Post