Vice Ganda, tila nagulat sa sagot ng kanyang nobyo sa It's Showtime!

- Ogie Alcasid, tinanong ang hosts at audiences kung saang senarya pinakamasasaktan ang isang basketball player

- Tila nagulat ang It's Showtime host Vice Ganda sa sagot ni Ion Perez

- Agad namang dinepensahan ni Teddy ang naging sagot ni Ion

Sa isang segment ng It's Showtime na "Madlang Pi-Poll", kung saan pwedeng manalo ang mga manlalaro ng cash prizes sa pagsagot ng mga poll questions, nagtanong sa hosts at audiences ang bagong It's Showtime host na si Ogie Alcasid: "Ano ang pinakamasakit para sa isang basketball player tulad ko? A, matalo ang team sa finals. B, hiwalayan ng jowa pagkatapos manalo sa finals. C, matanggal ka sa team!"

Napansin naman ni Vice na nagtaas si Ion ng Option C. Nagtanong siya ng: "Anong masakit Ion sa tatlong nabanggit na choices?"

Agad namang sumagot si Ion ng: "Letter C, syempre, matanggal sa team. Kasi yung A, B, okay lang yan eh, pero yung matanggal sa team..."

Naputol ang pagsasalita ni Ion nang magsalita si Vice:"So kunwari nag-champion kayo tapos hiniwalayan kita, hindi ka masasaktan? Grabe ang revelation mo Benigno ha!" ang naging saad ni Vice.

Dinepensahan naman ng kapwa host na si Teddy ang sagot ni Ion nang sabihing: "Ibig-sabihin non, hindi kayo maghihiwalay!"

Natuwa naman si Vice at pabirong sinabing: "Okay, I will slide that."

Kung kayo ang tatanungin, ano ang mas masakit? Option A, B, o C?

Post a Comment

Previous Post Next Post