Albie Casiño, inimbitahan si Shanaia Gomez sa isang "sisig date"!

- Dalawa sa mga pinag-usapang ex housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition sina Albie Casiño at Shanaia Gomez.

- Vocal si Albie na hanga s'ya sa kagandahan ni Shanaia, dahil na rin sa kanilang naging samahan sa "Bahay ni Kuya".

- Sa "Kumu-litan", inimbitahan ni Albie si Shanaia sa isang "sisig date"

Dalawa sa mga pinag-usapang celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 sina Kapamilya actor Albie Casiño at isa sa rising stars ng Star Magic na si Shanaia Gomez.

Di lingid sa kaalaman ni Albie ang paghanga nito kay Shanaia simula noong magkasama sila sa Bahay ni Kuya.

Sa kanyang guesting noon sa Kapamilya morning talk show na "Magandang Buhay", Inamin nito na hanga s'ya sa 19-anyos na aktres, at tinukoy pa nito na nangako si Shanaia kay Albie na susubukan n'ya ang pagkain ng "sisig".

"Gusto ko lang matupad 'yung promise n'ya na magta-try s'ya ng sisig. Kasi sabi n'ya, 'She doesn't like sisig'. Sabi ko, 'How can you not like sisig?' It's impossible, hindi ba? Pinoy ka ba?" ayon kay Albie.

Kaya sa "PBB Kumu-litan" nitong Martes, Disyembre 14, kasama si Shanaia, sorpresang umapir si Albie.

Tinanong ng aktor si Shanaia na, "Are you still down to try sisig, Shai?"

Tugon ng aktres, "Yeah, of course, but I don't think I will like it, but, yeah, I mean, I will take your word. We'll see, we'll see. I don't like the feeling of the sisig. I don't know why, the texture is kinda weird."

Pero idiniin ni Albie sa magandang aktres na kailangan n'yang masubukan ang napakasarap na Pinoy food delicacy.

Nauna nang na-evict si Albie sa PBB noong Nobyembre, habang si Shanaia ang isa sa latest evictees sa naturang edisyon, kasama ng streamer na si Benedix Ramos.

Post a Comment

Previous Post Next Post