Awra Briguela proud na proud na napagtapos sa kolehiyo ang kaniyang Ama

- Masayang ibinahagi ni Awra ang kwento ng pagtatapos sa pag-aaral ng ama niya

- Sa vlog ni Karen Davila ibinahagi ng child star ang magandang balita

- Ibinahagi ni Tatay Oneal na mahalaga ang pag-aaral kaya naman ito nag pursige

Sa latest vlog ng kapamilya anchor na si Karen Davila ay pinaunlakan siya ng kapamilya young star Awra Briguela sa bongga at bagong bahay nito.

Binisita ni Karen ang bagong bahay ni Awra na naipatayo nito para sa pamilya mula sa pagsusumikap niya sa pagta trabaho.

Sa naturang vlog din ay naibahagi ng mag-ama na nakapag tapos na ito sa pag-aaral sa kursong Business Management dahil na rin sa tulong ni Awra.

"Gustong gusto po ni Papa na bumalik sa pag-aaral kasi gusto niyang ipakita sa amin na kahit anong edad mo pa pwede kang bumalik sa pag-aaral anytime.

"Gusto niyang patunayan sa amin na sobrang mahalaga talaga ang pag-aaral," kwento pa ni Awra 

"32 years old na po ako nun, ako yung pinakamatanda sa batch namin na grumaduate... Noong una nahihiya ako, pero mindset ko pakapalan na lang ng mukha nito, kung di ko kakapalan mukha ko walang mangyayari.. awa ng Diyos habang tumatagal mas na a appreciate nila yung ganong mindset.

"Na realized ko na iba kapag may aral, iba yung kapag naka graduate ka, ayokong mangyari sa point na dumating yung mga anak ko sa ganon," kwento naman ni Tatay Oneal.

Panoorin ang kabuuan rito: 

Post a Comment

Previous Post Next Post