Cherry Pie Picache at Edu Manzano, may inamin kay Luiz Manzano sa bagong vlog nito

- Ininterview ni Luiz Manzano ang kanyang amang beteranong aktor na si Edu Manzano sa kanyang vlog

- Ni-reveal naman nina Edu Manzano at Cherry Pie na nagkaroon sila ng date 20 years ago 

- Pag-amin ni Luiz, nito lang niya nalaman na nag de-date na pala noon sina Edu at Cherry Pie Picache

Nagkaroon ng masayang pag-uusap sina Edu Manzano, Cherry Pie Picache, at Luiz Manzano sa bagong vlog nito kamakailan lang.

Sa vlog ni Luiz, may mga nakakatuwang trivia na binanggit sina Edu at Cherry hinggil sa kanilang relasyon. Ayon pa dito, nagkaroon na sila ng dates noon pa man na hindi nila isinapubliko.

Sinabi naman ni Luiz na kamakailan lang niya na lamang na nagkaroon nga sila ng date na sinagot naman ni Edu.

"Alam niyo ba na, nalaman ko lang 'to just a few days ago, na you already parang had a few dates before,” ang sabi ni Luiz. 

"Tahimik lang kami no'n, It's almost a year” sagot naman ni Edu. 

May tanong naman si Luiz patungkol sa usaping date sa pagitan nina Edu at Cherry: "Before, ito 'yung before pa?”

"Two decades ago,” sagot ng nobyo ni Edu na si Cherry Pie.

Nagkaroon pa sila ng nakakatuwang chikahan na dahilan ng pagkaka-reveal ng ilang sikreto.

Edu: “Nalaman ko lang 'yan kasi si Tita Pie, nag-guest sa 'I Can See Your Voice' when she shared that bit of trivia, sobrang nagulat ako na kumbaga mayroong binalikan,” 

Cherry Pie: "Hindi niya ako malimutan,” 

Luis: "So eto, how did it start ito nga the second coming?”

Edu: "Kasi, nagkataon, after the 20 years, lagi kaming nanatiling kaibigan, we knew that we still like each other"

Ibinahagi naman ni Cherry na naging magkaibigan pa rin sila at mayroong “tension” tuwing nagkikita ang dalawa.

"We remained friends, and then every time we see each other, you that there's (tension) in a good way and something different.”

Post a Comment

Previous Post Next Post