Cong TV at Viy Cortez, masayang ibinalita ang pagkakaroon ng baby!

- Sa latest vlog ni Viy ay ibinahagi nito ang magandang balita

- Sa nasabing vlog ay mapapanood ang reaksyon nilang dalawa

- Madamdaming ibinahagi ng dalawa ang kwento ng pagkaka alam nila patungkol sa pagdadalang tao ni Viy.

“Oh my God! Totoo kaya?,” naiiyak na simula ni Viy habang tinitignan ang resulta ng dalawang pregnancy test na ginawa niya na parehas positive sa kaniyang vlog.

Sa kaniyang latest vlog nga ay ibinahagi ni Viy ang magandang balita ng pagdadalang tao niya.

“Nakadalawang PT ako, dalawang may linya pero naiiyak ako kasi natatakot ako kasi di ba kakaaopera ko lang at negative ako nu’n. Ano ‘yun e, two weeks ago. So kung negative ako baka false positive rin ngayon, so naiiyak ako kasi baka umasa lang ako tapos hindi naman pala.

“Hindi ko alam, halo halo ang emosyon ko. Naiiyak ako sa saya. Naiiyak ako kasi nalulungkot ako kasi paano kung mawala na naman or paano kung hindi pala talaga,” dugtong pa nito.

Dito ay ibinahagi na ni Viy ang magandang balita sa kaniyang kasintahang si Cong na kasalukuyan pang naglalaro.

“Totoo ba? Totoo? Baka kay Patpat (kapatid ni Cong TV) ito, a? Hindi umiiyak ka, e. Totoo. Matulog ka na don, bawal kang gumalaw. Pa-check up ka na,” tila naguguluhan ngunit excited na sabi ni Cong saka niyakap si Viy.

Tinitigan pang muli ni Cong ang pregnancy test sabay sabing, “Ibigay na niya sa ‘kin, to. Gustong-gusto ko (magka-baby)," masayang sabi nito.

Panoorin ang kabuuan dito:

Post a Comment

Previous Post Next Post