Dahil sa kagustuhang makasagap ng chika, isang marites naipit ang ulo sa isang gate!

- Viral ngayon sa social media ang pictures ng isang ginang na sumabit ang ulo sa gate ng dahil sa chismis

- Mga “marites” online, pinagpiyestan ang nasabing ginang

- Isang netizen rin ang nagbigay komento patungkol sa kumalat na issue

Sikat ngayon ang mga memes na kumakalat patungkol sa mga taong mahilig makipag-chismis o “marites” na nagmula daw sa “mare, anong latest”. “Kapatid” din daw nito ang iba pang nakakatuwang pangalan tulad ng “marisol” o “mareng tagasulsol” at “maris” o “mare, anong tsismis”.

Hindi lang sa Pilipinas mayroong mga “marites” dahil pati sa ibang bansa, nagkalat ito. Sa kabila ng mga nakakatuwang memes patungkol dito, nagviral naman sa Facebook ang isang babaeng naipit ang ulo sa gate dahil sa chismis.

Nakilala ang babae na mula pa sa La Virginia Western Columbia nang dahil nagtangka ang ginang na ipasok ang kanyang ulo sa bahay ng kanyang chinichismis. Dahil riyan, umabot ng halos limang oras ang pagkakaipit ng kanyang leeg bago dumating ang mga rescue team.

Viral rin ang litrato na ito kung saan inaayos na ng mga taga-rescue ang sumabit niyang ulo habang pinapanood ito ng ilang tao. Makikita rin sa picture ang isang pulis na para bang nagmamasid sa paligid.


Gigil rin ang mga netizens dahil hindi ito natuwa dahil hindi daw dapat pinagchi-chismisan ang buhay ng iba. Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“That is what you get for being a gossip. It would be great if it happened to everyone who goes out of their way to know about other people’s lives.”

“Her ears got stuck in the gate. Good! Nosy old lady,” sabi ng isang netizen.

Post a Comment

Previous Post Next Post