Dahil sa mga issue'ng kinaharap, AJ Raval madalas umiyak sa set ng bagong pelikula?

- May inamin si Wilbert Ross patungkol sa kanyang ka-loveteam na si AJ Raval sa kanyang pelikulang “Crush Kong Curly” 

- Ipinahayag niya na nagiging emotional si AJ sa press conference ng nasabing pelikula at palaging nakikita na umiiyak sa set

- Kahit daw mapag-usapan si AJ kahit sa mga maliliit na issue, naiiyak daw si AJ patungkol dito

Ka-loveteam ni Wilbert Ross na si AJ Raval, ang anak ng beteranong aktor na si Jeric Raval na lumabas na rin sa mga ilang pelikula na pinroduce ng Viva Films, may inamin patungkol sa nararanasan ngayon ng aktres. 

Inamin kasi nitong umiiyak si AJ Raval sa set ng kanyang bagong pelikulang “Crush Kong Curly”. Sinabi rin nitong naging sensitive si AJ sa mga issues na binabato sa kanya. 

"Kasi medyo sensitive talaga siya these past few weeks/months because of the issues, mga binabato sa kanya ng mga tao, judgments... so, konting trigger lang po, iiyak po talaga ’yon....kahit may masabi ka lang word na parang connected sa issue, iiyak po talaga ’yon,” ani Wilbert 

Maalalang naging viral si AJ nang mai-post online ang kanyang picture kasama si Aljur Abrenica na kinuyog ng netizens. Ngunit ang sinabi naman ni AJ sa isang exclusive interview kasama si Anna Pingol ng PikaPika, wala daw silang relasyon at nag-uusap lang. Hindi rin daw siya nililigawan ni Diego Loyzaga, dagdag pa niya. 

Ipinahayag rin ni Wilbert na binibigyan niya ang aktres ng tissue sa tuwing umiiyak ito. Sinabi rin niyang hindi na ito pang-karaniwan sa kanya dahil parati na niya itong nakikita kung kaya't nasanay na siya.

Post a Comment

Previous Post Next Post