Instagram post ni Maris Racal kasama si Rico Blanco, viral at pinagkakaguluhan ng mga netizens!

- Sa Instagram post ni Maris Racal, nagbahagi ito ng video kasama ang kanyang nobyo na si Rico Blanco na pinagkaguluhan naman ng netizens

- Makikita sa naturang post ang “sweet moments” nila na magkasama na agad namang nag-viral

- Matatandaang nito lamang Mayo ng 2021 ay isinapubliko nina Maris ang kanilang relasyon na umani ng reaksiyon online

Halos ilang oras lamang pagkatapos i-post ng Kapamilya star na si Maris Racal ang kanilang “sweet moments” kasama ang kanyang nobyo, umabot agad ito ng halos 300k+ likes sa Instagram.

Nakikita sa kanyang naunang post ang video kung saan nag du-duet ang dalawa. Hindi naman maitago ang chemistry nila kung kaya't pinagkaguluhan ito ng ilang fans. Sinabi rin niyang walang makakapigil na makapag-duet sila base sa kanyang caption.

May ilang komento rin mula sa post na ito kung saan makikitang kinakikiligan ito ng netizens, dahilan kung bakit nag-viral ang nasabing post.

“Please maris wala ng burahan yan ah”
“Bat iba yung kilig ko dito huhuhuhu” 

Matatandaang pumutok ang balita na nag de-date sina Maris at Rico nang batiin ni Maris ang dating Rivermaya frontman sa kanyang kaarawan noong Marso. Kalaunan ay nakumpirma niya ang kanilang relasyon sa isang media conference noong Mayo.

Post a Comment

Previous Post Next Post