It's Showtime may pasabog!, mapapanood na nga ba sa TV5 sa 2022?

- Tila nagbigay ng isang “clue” ang It's Showtime host na si Vice Ganda patungkol sa isang “plot twist” na mangyayari sa It's Showtime sa darating na 2022

- Sinabi nitong kasama sa “plot twist” na mangyayari ang mga Kapamilya na ikatutuwa ng madlang people

- Naging maingay sa Twitter ang sinabi na ito ni Vice kaya naman napaisip ang netizens kung mapapanood na nga ba ang nasabing show sa Kapatid Network

Nitong Huwebes lang, December 30, naging usap-usapan ang sinabi ng unkabogable star na si Vice Ganda patungkol sa mangyayari sa kanilang show na It's Showtime sa darating na taon.

Ibinahagi nito na may magandang mangyayari at kabilang na ang mga madlang people sa kasiyahan na ito. Dagdag pa niya, kasama ang buong Kapamilya sa magiging “plot twist” ng naturang show. 

“May plot twist ang (It's) Showtime.” ani Vice. 

Sumagot naman ang kanyang kapwa host na sina Karylle at Tiyang Amy. Tila nagulat ito sa sinabi ni Vice at napasabing: “Ay, may alam ka ah... Let's claim it!” 

“I'm claiming it. Madlang people, you will be very happy. Itong plot twist na 'to, kasama kayo sa plot twist na ito”, dagdag pa ni Vice. 

Isang account rin sa Twitter ang nag-tweet ng clip kung saan sinabi ito ni Vice. Marami namang nagsasabing mapapanood na ang It's Showtime sa TV5 sa susunod na taon. May ilan komento rin tulad ng:

“Yes kpg snbi ni meme yn,tlgang ma cclaim it,amen.” 

“If their ratings go well, probably they will air in Tv5” 

“Kinilabutan rin ako... Eto na ba yung sinabi ni meme nung Nov 23? Huhubels” 

“we're so excited to watch IT'S SHOWTIME on TV5 LOL replacement.”

Post a Comment

Previous Post Next Post