Kim Atienza may mensahe sa pumalit sa kaniya na si Ariel Rojas, "Be the best you can be..."

- Trending ang pinaka bagong weatherman ng TV Patrol na si Ariel Rojas

- Masaya siyang winelcome ng mga kapamilya viewers

- Nagbahagi naman ng mensahe si Kuya Kim Atienza sa pumalit sa kaniya

Trending at naging usap-usapan ang pagdating ng pinaka bagong weatherman ng ABS-CBN Flagship News Program na TV Patrol.

Ito ay si Ariel Rojas na siyang isang Meteorologist at dating nag ta trabaho sa PAGASA na ngayon nga ay siya ng resident Meteorologist ng ABS-CBN News.

Winelcome siya ng mga bagong kasamahan sa TV Patrol na sina Bernadette Sembrano, Karen Davila, Henry Omaga Diaz, Marc Logan at Gretchen Fullido.

Bukod dito ay positibo ring tinanggap ng avid TV Patrol viewers ang pagdating na ito ni Ariel Rojas.

"Thanks for the very warm welcome, TV Patrol/ABS-CBN News! Still overcome with emotions," ani ni Ariel.

Samantala sa post ng TV Patrol kung saan ipinakilala na si Ariel ay nagbahagi naman ng kaniyang kumento si Kuya Kim Atienza na siyang pinalitan ni Ariel matapos nitong lumipat sa Kapuso network.

"God bless and all the best, Ariel! May God bless you and keep you and be gracious to you and your long career in ABS. Be the best you can be in the job I loved and did for 17 years. Be well!," ani Kuya Kim.

Post a Comment

Previous Post Next Post