Luis Manzano, nag react sa relasyon ng amang si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache

- Sa isang interview ay natanong si Luis Manzano patungkol sa relasyon ng amang si Edu kay Cherry Pie Picache

- Ibinubyag nito na nagulat siya sa naturang relasyon ng dalawa

- Masaya umano siya dahil masaya ang ama kasama si Cherry Pie

Sa isang interview ay natanong ang TV Host actor na si Luis Manzano patungkol sa relasyon ngayon ng kaniyang amang si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache.

"Kung maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN next year, baka si Daddy at Tita Pie itapat sa KathNiel," pabirong sagot ni Luis.

Matapos nito ay ibinunyag niyang hindi umano niya inaasahan ang naturang relasyon nila at ikinagulat na lamang niya ito.

"Sobrang we were caught off-guard. No one saw it coming. I don't even think Dad and Tita Pie saw it coming," ani Luis.

Ibinahagi rin nito ang pagkakataong may isang kaibigan niya ang nagpadala ng litrato nina Edu at Pie habang nasa gitna ito ng dinner date.

"I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie, date night yata sila so I sent the picture back to Daddy. I said, 'Uy Daddy, happy boy ka', sabi niya, 'Yes anak, happy.'"

At dito nga ay sinabi niyang masaya siya sa relasyon ng dalawa lalo pa't nakikita naman niyang masaya rin ang kaniyang ama.

"It would boil down to the same thing, kung paano niya nirerespeto ang kaniyang kasama. That's one thing na nakikita ko kay Daddy. How he takes care of his partner talaga. Nakikita ko rin naman how happy he is with Tita Pie," pakli ni Luis.

Post a Comment

Previous Post Next Post