Magkapatid na pinatay sa loob ng bahay nila, Viral dahil sa mga haka-haka ng netizens tungkol sa Killer

- Usap usapan ngayon sa social media ang walang awang pagkamatay ng magkapatid na taga North Cotabato

- December 10 ng makita ng mga magulang ang karumaldumal na bangkay ng anak nila

- Sa kasalukuyan ay patuloy pang pinag hahanap ang mga suspek sa pagpatay sa magkapatid

Nagluluksa ngayong darating na kapaskuhan ang mag-asawang sina Cruz at Lovella Maguad na mga guro at principal sa Buayan Elementary School sa Mlang, North Cotobato.

Sa buong ulat ng NewsLine. PH, Ay napag-alaman ng mag-asawa na walang awang pinatay ang anak nilang sina Crizzle Gwen, 18 years old at Crizzule Louis, 16 years old sa loob mismo ng kanilang bahay.

December 10, 2:58PM ng tinawagan umano si Cruz ng kanilang kapitbahay at mabilis na pina-uuwi ang mag-asawa dahil sa umano'y magulo ang kanilang bahay.

Sa pag-uwi ng mag-asawa ay nakita umano agad nila sa labas mismo ng pinto ng kanilang bahay ang isang kumot na puno na ng dugo at isang kutsilyo, sa pagpasok nila sa loob ay dito na nila nakita ang walang buhay na anak, si Crizzle na puno ng pasa at sugat sa katawan na naka-handusay ilang hakbang mula pinto ng kaniyang kwarto. Samantala si Crizzule naman ay nakatali pa ang kamay at paa na naka-handusay na rin malapit sa main door.

Sa imbestigasiyon ng mga pulis ay nakakita sila ng mga basag na bote, kutsilyo, martilyo at baseball bat malapit sa mga katawan ng mga bata.

Sa lahat ng kaganapan ay isa ang nakaligtas sa pangyayaring ito na kinilala bilang si Christine (Hindi niya tunay na pangalan), Ang ampon ng pamilya Maguad na malapit umano sa magkapatid, ayon sa salaysay niya ay agad umano itong pumasok at nag lock sa loob ng kwarto habang nagaganap ang pagpatay sa magkapatid na Crizzle at Crizzule.

Sa salaysay ng mag-asawa, ng makita umano nila si Christine na lumabas sa kwarto ay nanginginig ito at basang basa ang mga buhok, galing umano siya sa pagligo, paliwang ni Christine sa mag-asawa.

Ayon pa sa ulat na maging ang kwartong pinagtaguan ni Christine ay makalat din, sa salaysay ni Christine ay nakita niyang tatlong tao ang umano'y pumatay sa magkapatid.

Sa salaysay naman ng ina na si Lovella, nitong Hulyo ng taong ito ng mapagdesisyunan nilang ampunin si Christine dahil na rin sa kahilingan ni Crizzle dahil sa turingan umano nila ay magkapatid na, samantala si Crizzule naman ay ibinigay pa ang kwarto niya para kay Cristine at sa sala na lamang natutulog.

Ang ipinagtataka umano ng mag-asawa ay noong naganap ang krimen ay tinatawag na sila ni Christine na Mama at Papa, salaysay ni Lovella na nag txt pa umano sa kaniya si Christine ng, "Mama please help" ilang minuto bago sila maka-uwi sa bahay at masaksihan ang sinapit ng nga anak.

Samantala viral na ngayon sa social media ang mga post na ibinahagi ni Christine sa kaniyang facebook post na tila humihingi ng saklolo noong nagaganap ang krimen sa magkapatid.

Sa mga post niya ay humihingi siya ng tulong at sinabing ayaw pa niyang mamatay, sa sumunod na post pa niya ay nag condolence siya sa magkapatid at humingi ng tawad dahil wala siyang nagawa.

"guys tabangi ko ninyo please gisulod mi sa balay tabaaang di pako gusto mamatay, naa ko sa kwarto karun gatago pleaseee.... tabang (guys tulungan ninyo ako please, nandito ako sa bahay hindi ko pa gustong mamatay, dito ako sa kwarto nakatago pleaseee.. tulong)," unang post ni Christine.

"tabangi kooooooooo (tulungan niyo ko)," sunod na post nito.

"CONDOLENCE ATEEEEEE!!! And BOBOY, sorry wala Koy na buhat (wala akong natulong) Crizzlle Gwynn Orbe MaguadCrizvlle Louis," huling post nito.



Sa imbestigasiyon pa ng mga pulis ay natagpuan ang ilang damit at underwear na nasa loob ng nakataling plastic sa isang kanal malapit sa bahay na hinihinalang pag-ma may ari ng pumatay sa magkapatid.

Ang mga murder weapon na martilyo, ayon kay Cruz ay nakatago ito at tanging si Christine at Crizzle lamang ang nakaka-alam kung saan nakalagay, ang baseball bat naman ay pag-aari ni Crizzule na nakalagay umano sa loob ng kwartong tinutuluyan ni Christine.

Pinagtatakahan ng ilang netizens ay kung bakit matapos ang karumaldumal na pangyayari ay nagawa pang maligo ni Christine imbes na tawagan ang mga magulang nina Crizzle?, Bakit ang mga kapitbahay na nagmagandang loob pa ang nagbigay impormasyon sa mag-asawa. Ikaw ano ang reaksyon mo sa balitang ito?

Post a Comment

Previous Post Next Post