McCoy inaming wala pa silang planong magpakasal ni Elisse Joson?

- Matatandaang nagviral ang anunsiyo nina McCoy de Leon at Ellise Joson na sila ay may anak na

- Kasunod rin nagviral ang mga pictures ng anak nila na si baby Felize na ipinakilala naman nila kay 'Big Brother'

- Sa isang interview naman ang nagtanong kay McCoy kung may pagpa-planuhang nagaganap patungkol sa kanilang kasalan

Nito lang mga nagdaang araw ay isinapubliko na nina McCoy de Leon at Ellise Joson ang balitang may anak na sila. Ito rin ang dahilan kung bakit nagviral ang mga baby pictures ng kanilang anak na si baby Felize.

Mataandaang nakilala natin ang couple sa 7th edition ng 'Pinoy Big Brother' ng ABS-CBN. Ipinakilala rin nila mismo kay Big Brother si baby Felize kung saan sila unang nagkakilala. 

Sa isang interview kasama si McCoy, naitanong sa aktor kung may pagpa-planuhang nagaganap sa kanila ni Ellise at kung ready na ito sa panibagong yugto ng kanyang buhay. 

Para kay McCoy, mas pipiliin niyang maging mas praktikal para sa kanilang anak dahil hindi daw biro ang pinagdadaanan nila dahil sa pandemya. Dahil dito, kailangan daw nilang mag-ipon para sa kanilang future. 

“Lagi naming pinaguusapan ni Ellise yan. Pero lagi naming binabanggit sa sarili namin na dapat maging praktikal lang kami. Siyempre hindi rin biro ang manganak lalo na ngayong pandemiya, kailangang magipon.” ani McCoy 

Dagdag pa niya, darating din naman sila sa punto kung saan ikakasal na silang dalawa. Wala din daw problema sa kanila kung kailan sila ikakasal. 

“Yung Kasal, Kuya Leo, siguro soon, wala namang problema do’n. Darating din naman tayo don. Kailangan lang siguro naming paghandaan.”

Inamin rin niyang naging dagdag inspirasyon sa kanya ang kanyang mag-ina kaya naman mas inspired at determinado siya sa pagtatrabaho. 

“Ang sarap pala magkaron ng anak, lalo na ng pamilya. Mas lalo kong gusto mag pursige sa buhay. Di lang sarili ko ang binubuhay ko, di lang ang pamilya ko, kapatid o magulang ko.”

“May sarili na akong pamilya na bubuhayon ko ngayon. Dodoblehin ko kung paano ako magtrabaho ngayon. Siyempre, habang nagtatrabaho, mas inspired, mas happy ako sa gagawin ko.” dagdag pa ni McCoy.

Post a Comment

Previous Post Next Post