Ogie Diaz kinumpirmang limang buwan nang buntis si Angeline Quinto

- Sa latest showbiz vlog ni Ogie Diaz ay kinumpirma nito ang pagdadalang tao ni Angeline

- Kwento nito na limang buwan na ang ipinagdadala no Angeline mula sa non-showbiz boyfriend

- Ni reveal din nito ang gender ng unang anak ni Angeline Quinto

Sa latest showbiz update vlog ng showbiz manager na si Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang patungkol sa pagdadalang tao ni Angeline Quinto.

Napag-usapan ng mga ito kasama niya si Mama Loi at Dyosa Pocko ang patungkol nga sa pagdadalang tao ni Angeline na ani nila ay limang buwan na.

"Goodluck kay Angeline Quinto.. kasi diba lumalabas na confirm daw talagang buntis si Angge.. binalita rin ni tita Cristy," pagsisimulang kwento ni Mama Loi.

"Ako nasagap ko five months (ng buntis si Angge)," ani naman ni Ogie kaya naman nasabi agad ni Mama Loi na kung gayong five months na ay alam na ang gender kaya naman napatanong agad ito, "Ang sabi sa akin lalaki.. oo kasi may common friend kami ni Angeline," kwento pa ni Ogie.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo lamang ng maging usap-usapan ang di-umano'y paggbubuntis nga ni Angeline, na ngayo'y kinukumpirma na ni Ogie Diaz.

Post a Comment

Previous Post Next Post