Ogie Diaz may ibinunyag patungkol sa isyu ng pagbubuntis ni Yen Santos, "Hinatayin natin na.."

- Sa recent vlog ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi, nagkaroon ito ng diskusyon patungkol sa kumakalat na haka-hakang buntis si Yen Santos 

- Ogie Diaz, inaming hindi totoo ang viral na issue patungkol kay Yen

- Sinabi nitong ang nakunan sa litrato ay ang paglipad ng damit ni Yen kaya naman nagmukha itong mataba

Viral naman sa Facebook ang pictures nina Yen Santos at Paolo Contis na magkasamang nagbabakasyon sa Boracay. Nahagip naman sa camera ang katawan ni Yen na sinasabing buntis daw umano ayon sa mga netizens.

Ang nagpost ng naturang pictures upang mag-viral ang vacation photos nila ay ang Facebook page na “Isyus”. Napag-alaman namin na ang may-ari ng nasabing page ay si Xian Gaza, ang tao sa likod ng mga chismis na lumilipad ngayon.

Napag-usapan naman nina Ogie Diaz at Mama Loi ang haka-haka na ito sa kanilang showbiz update vlog. 

Sinimulan ni Loi, nagtanong ito kung totoo nga bang buntis si Yen Santos na sinagot naman ni Ogie. 

"May tanong na naman sila, nay. Buntis daw ba si Yen Santos kasi parang ang taba niya ngayon, tsaka, nay yung oversized niya na suot. Parang may laman yung tiyan," 

Sinabi naman ni Ogie na hindi totoo ang mga kumakalat na chika. Ayon din daw kay Paolo, mapayat daw si Yen Santos ngayon na taliwas naman sa mga kumakalat na balita. 

"Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos. Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw eh yung paglipad nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time."

"Hintayin natin silang dalawa. Hindi para pangunahan natin sila." dagdag pa ni Ogie.

Post a Comment

Previous Post Next Post