Ogie Diaz, nagbahagi ng opinyon patungkol sa pamilya ni Sarah G: “Pwedeng hindi pa sila ayos...”

- Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz patungkol sa relasyon sa pagitan nina Sarah G at pamilya nito

- Ayon kay Ogie, maaring nagkaayos na sila Sarah o pwede namang hindi pa ngunit hindi pa ito nilalabas sa publiko

- Ito ay dahil nag-viral ang pagkanta ni Sarah Geronimo nang mapansin ng netizens ang punong-puno at tindi ng emosyon sa kanyang awitin

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang pagkanta ni Sarah Geronimo ng “Sana ngayong Pasko”. Makikita sa kanyang pagkanta ang tindi ng damdamin at emosyon dahil na rin umano sa lyrics ng awitin.

Hindi rin nakaligtas ang popstar royalty nang maisip ng netizens na iniisip ni Sarah ang kanyang pamilya na sinasabing hindi pa niya ito muling nakakasama.

Napag-usapan naman ito ni Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa kanilang showbiz vlogs na mapapanood sa kanilang YouTube channel. 

Ani Ogie, maaaring nagkaayos naman na sina Sarah G at kanyang mommy ngunit hindi pa ito nilalabas sa publiko. Sinabi rin nitong pwede rin namang hindi pa nagkakasundo dahil wala pang lumalabas na larawan na magkasama muli sila. 

"Baka ang hinihintay nila e 'yung larawan with the fam, with Daddy Delfin and Mommy Divine. Baka naman din naman kasi hindi rin nila ipino-post pero ok na sila. Pwede rin namang hindi pa sila ayos kaya wala pang mga pictures”

"Dapat hangarin natin na itong pamilya na ito ay magkaayos din someday" dagdag pa ni Ogie.

Post a Comment

Previous Post Next Post