Pagkakaibigan nina Erich at Enchong maihahalintulad na raw sa mag-asawa?

- Ibinahagi ni Enchong Dee kung gaano sila ka-“close” ng kanyang kaibigan na si Erich Gonzales

- Matatandaang inakala ng mga tao noon na sila ay may relasyon dahil sa kanilang “closeness” on and off cam

- Nagkakilala ang dalawa noong 2009 dahil sa isang TV series kung kaya't naging mag best friends ito

“Kulang nalang ikasal kami”. 'Yan ang naging mensahe ni Enchong Dee sa kanyang best friend na si Erich Gonzales sa Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' noong 15th anniversary nito.

Nagkakilala ang dalawa sa ABS-CBN nang magka-trabaho ito sa teleseryeng “Katorse” at naging magkasama ulit sa Pinoy remake ng top rated na Mexican TV series na “Maria La Del Barrio” noong 2011.

Dahil dito, naging mag best friends ang dalawa at naging bahagi na sila ng kani-kanilang buhay. Sa interview naman ni Enchong Dee sa Magandang Buhay, nagpakita ang mga hosts nito ng mga video greetings ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ang pumukaw naman sa atensiyon ni Enchong ay ang letter na ibinagay sa kanya ni Erich: “Dear Chong, I would like to acknowledge all the small and big things that you have done in the past for me. You have been my all-in-one, my favorite leading man, friend, support system and a lot more”

“You will always have my love and support. Count on me on whatever and you know that,” dagdag pa ni Erich.

Sinagot naman ito ni Enchong. Ayon sa kanya, halos kulang nalang daw na ikasal sila sa sobrang magkalapit nito sa isa't-isa. Nabanggit rin niya na nandito lang siya para kay Erich. Bagay na sinabi niya habang naluluha ang kanyang mga mata. 

“It’s the same, it’s the same for Erich na ang saya. Parang kulang na lang ikasal kami kasi ’di ba… Pero ang sarap kapag may mga ganu’ng tao na tanggap ka kahit anong mangyari, ‘Nand’yan ako para sa ’yo,’ ’di ba?”

Post a Comment

Previous Post Next Post