Wilbert Ross, dinepensahan si AJ Raval sa mga bashers

- Naging biktima si AJ Raval ng mga bashers sa mga kontrobersyal na issue patungkol sa kanya

- Dinepensahan naman ni Wilbert Ross si AJ na kasama sa kanyang movie na “Crush Kong Curly”

- Naniniwala naman si Wilbert na nagiging hobby ng netizens ang pang ba-bash dahil sarado daw ang mga utak nito.

Kilala si AJ Raval bilang isang aktres, social media darling, at isa sa mga hinahangan ng mga netizens pagdating sa kagandahan nito. Matatandaang lumabas ito sa pelikula nila ni Diego Loyzaga na “Death of A Girlfriend” na umani ng samu't-saring reaksiyon. Sa likod ng mga ito, kung anu-anong issues ang binabato sa kanya ng mga tao online, hindi rin ito nakaligtas sa mga pamba-bash ng mga netizens.

Para sa media conference ng kanyang bagong pelikulang “Crush Kong Curly”, dinepensahan naman ito ng kanyang co-star na si Wilbert Ross. Pinaalala nitong maging malakas at huwag saluhin ang mga kritisismo na binabato sa kanya nang personal.

“My word for people na jinu-judge like AJ at lalo na sa ibang mga tao diyan na jinu-judge ng publiko, stay strong tapos huwag mo masyado dibdibin lahat. Kasi kilala natin yung sarili natin at kung ano tayo. Hindi natin kailangan i-prove yung sarili natin sa ibang tao kasi alam natin mismo sa sarili natin at alam ng mga tao sa paligid natin, mga pamilya and friends, kung ano tayo at ano ang worth natin sa mundo…” ani Wilbert 

“Ang masasabi ko lang sa mga judgmental na tao, minsan kasi nagiging hobby na siya to judge people. Siguro hindi sa kanila dapat yung pagsasabihan kasi parang yung tao hindi na sila napipigilan talaga. Kahit anong sabihin mo, sarado yung utak nila. In short, yung mga ganyang tao yun talaga ginagawa nila, manira, kung anu-anong sinasabi” dagdag pa niya. 

Inamin rin ni AJ Raval noong mga nakaraang araw na masyadong nagiging “toxic” ang social media para sa kanya.

Post a Comment

Previous Post Next Post