Wilbert Tolentino, todo suporta pa rin kay Madam Inutz sa kabila ng pagka-dismayado nito

- Naglabas muli ng saloobin si Wilbert Tolentino sa kanyang Twitter account na nagpapakita ng suporta kay Madam Inutz

- Pabiro rin niyang sinabi na kahit tissue nalang daw ang kanyang ulamin hanggang sa susunod na mga taon.

- Matatandaang nagbiro rin si Wilbert na itlog na lamang daw ang ulam nito hanggang 2025 dahil sa nagiging kalagayan ni Madam Inutz sa PBB

Naglabas muli ng komento si Wilbert Tolentino patungkol kay Madam Inutz na nasa bahay ni Kuya.

Nagpakita rin siya noong mga nakaraang araw ng pagka-dismayado nito kay Madam Inutz dahil hindi daw ito marunong mag “strategize” dahil binigyan ito ng dalawang puntos si Brenda Mage na dahilan upang makaligtas si Brenda na nominasyon sa linggong iyon.

Aniya sa kanyang bagong Twitter post, nakatulong daw siya sa platform ng PBB at nakatulong rin daw siya sa pamilya ni Madam Inutz. Nagpakita rin ito ng suporta at pabiro ulit na sinabing kahit tissue nalang daw ang ulamin nito hanggang 2025.

“Hitting two birds in one stone does not diminish my personality. Nakatulong ako sa platform ng PBB sa anunsyo nila mapupunta sa bagyong Odette at d same tym nakatulong ako kay Madam para sa Pamilya nya. kht tissue nalang ulam ko hanggang 2025 gorabels tayo mga bitter na Marites.”

Post a Comment

Previous Post Next Post