Alexa Ilacad, sinagot na ang katanungan kung may alitan bang namumuo sa pagitan nila ni Anji!

- Sinagot na ni Alexa ang mga akusasyong hindi sila okay ng kapwa ex housemate nitong si Anji

- Inisip naman ng ilang netizens na kaya nagtanong ang iba ng ganito ay dahil sa bagong wallpaper nila Alexa at KD at sa nakaraang isyu patungkol kay Anji

- Direstsahang sinabi naman ni Alexa sa KUMU livestream nito na maayos sila ni Anji Salvacion

Diretso nang sinagot ng Kapamilya star at ng ex PBB celebrity edition housemate na si  Alexa Ilacad sa mga inaakusahan silang hindi maganda ang ugnayan niya kay Anji Salvacion.

Nilinaw na ng aktres sa Kumu livestream nito nang may nagtanong kung okay nga lang ba silang dalawa. Hindi naman na nagpatagal si Alexa at sinagot na niya ang katanungang ito.

“May nagtanong kung okay kami ni Anji. Yes, of course. Bakit naman hindi magiging okay?” pagtatanong ni Alexa.

Ibinahagi rin niyang noong magkita sila sa ASAP Natin 'To para sa isang dance prod ay binigyan niya si Anji ng regalo. Isang dahilan upang maging imposibleng hindi sila ayos.

Pagtatanong ni Alexa, hindi raw niya maintindihan ang mga fans kung bakit nagaaway-away lalo na't bati-bati naman sila. “I don’t understand why you guys are fighting. Okay naman kami ni Anji, we’re good,”

Samantala, iniisip naman ng ilang fans kung bakit ganoon ang tanong ng netizen. Siguro daw ay may koneksiyon ito sa isyu ni Anji na di umano'y hindi sila nag-uusap ni KD at sa nangyaring aminan kamakailan na sina Alexa at KD mismo ang wallpaper nila para sa isa't-isa.

Post a Comment

Previous Post Next Post