Anji, inaming nalulungkot sa pagitan nila ni KD Estrada: “I thought okay kami”

- May inamin ang ex PBB housemate na si Anji sa interview ng ABS-CBN News nito lang nakaraan

- Sa nasabing interview ay tinanong siya patungkol sa estado ng pakikipag-kaibigan niya kay KD Estrada 

- Inihayag naman ni Anji na tila nalulungkot ito dahil hindi pa sila nakakapag-usap nang masinsinan, bagay na akala niya “okay” pa sila

Tapat na ibinahagi ng ex-housemate sa bahay ni Kuya na si Anji Salvacion ang estado ng pakikipag-kaibigan nito sa kapwa ex-housemate nitong si KD Estrada nang tanungin ito ng ABS-CBN News kamakailan.

Ayon kay Anji, nakapag-usap naman sila ni KD noong mayroong 'reunion' ang mga ex PBB housemates sa longest running variety show na ASAP. Inamin rin nitong hindi pa sila nakakapag-usap ng masinsinan.

Dagdag din niya, tila nalulungkot ito sa pinagdadaanan nilang dalawa dahil inakala niyang “okay” pa sila gaya noong mga nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya.

"I'm super happy but me and KD, the last time that we get to talk to is sa ano pa noong nag-reunion kami sa ASAP. To be honest lang din po, hindi pa po kami nakapag-usap ng masinsinan. It's really sad din kasi during that time din, he congratulated me, he's saying sorry to me, which I knew nothing what's happening here pala sa outside. And I knew nothing and sobra akong naguguluhan,"

In-expect rin daw niyang lalapitan siya ni KD upang sabihin kung anong nangyari ngunit hanggang ngayon daw ay wala pa rin itong paramdam. Inihayag rin niyang naguguluhan siya sa mga nangyayari. Makikita naman daw kasi na maayos ang relasyon nila habang nasa loob ng PBB house.

"I was expecting him to reach out to me to, to tell me, to enlighten me on what's happening right now but he never did. And I'm quite a bit sad because I thought na okay kame pero pagkalabas na pagkalabas, ewan ko, I don't know, naguguluhan din ako sa nangyayari.” 

 “It's just very sad lang to think na I thought na everything was okay inside the house. Nakikita naman talaga 'yun na super okay kami nung pag-alis niya. But then nung paglabas ko, ni ano message man lang wala. And I tried to reach out to him but the conversation did not end up like na dapat na we should converse about. Kasi dapat siya i-explain niya sakin, yung mga nangyayari, i-enlighten niya ako, pero hindi 'yun nangyari. Iba po yung naging usapan and parang he's like, doesn't want to talk to me, so I give him na lang that space,"

Post a Comment

Previous Post Next Post