Barbie at Tony Labrusca spotted na magkasama sa isang resto sa gitna ng hiwalayang isyu kay Diego

- Nahuling magkasana sina Barbie Imperial at Tony Labrusca na magkasama sa isang Korean restaurant

- Mainit na ngayon ang chika kung hiwalay na nga ba sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, base ito sa hinala ng mga netizens

- Bukod rito, spotted din silang dalawa na naglalaro ng tennis

Unang buwan pa lang ng bagong taon ay samu't-saring haka-haka na ang lumalabas sa social media. Kabilang na rito ang bali-balita ng kanya-kanyang netizens na hiwalay na raw umano sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Tila mainit pa rin sa mata ni Xian Gaza ang aktres na si Barbie Imperial dahil sa mga kontrobersyal na posts nito sa kanya. Nadawit rin ito sa isyu ng KathNiel kung saan pinabulaanan ni Daniel Padilla ang isyu at tinawag itong “nonsense”. 

Ngayong buwan lang ay nagsulputan na muli ang litrato nina Barbie Imperial at Tony Labrusca na magkasama habang kumakain sa isang Korean resto. Ang nasabing picture ay pinost ng page ng tinaguriang “pambansang Marites ng Pilipinas” na walang iba kundi si Xian Gaza. 

Makikita ditong magkasama ang dalawa habang kumakain at may hawak na cellphone si Barbie. Hinihinala naman ng netizens na totoo ngang hiwalay na sila ni Diego. Bagay na hindi pinalagpas ng mga marites. 

Bukod sa pictures nilang magkasamang kumain, usap-usapan rin ang mga litrato nila na magkasamang naglalaro ng tennis. Makikita ito sa Instagram stories at posts ni Bang Pineda noong nakaraang mga araw kasama ang kanilang kaibigan.

Wala pa namang kumpirmasyon sina Barbie at Tony kung may nangyayari na nga ba sa kanilang relasyon. Hindi pa rin naman naglalabas ng pahayag si Diego patungkol sa haka-hakang ito.

Post a Comment

Previous Post Next Post