Bigating kapamilya star na naging bahagi ng ilang teleseryes, sasabak sa isang Hollywood movie

- Isang Kapamilya actress ngayon ang makakasama sa isang rom-com movie sa Hollywood

- Ang aktres na ito ay napanood na sa ilang bigating teleseryes ng ABS-CBN

- Makakasama niya ang ilang romantic-comedy movie co-writers na sina Rachel Leyco at Rain Valdez

Ngayong Linggo ay ini-report ng Variety na kasama ang Kapamilya Diamond star na walang iba kundi si Maricel Soriano sa upcoming Hollywood rom-com movie na 'Re-Live: A Tale of an American Island Cheerleader'.

Sa inilabas na artikulo ng Variety ay gagampanan ni Maricel ang role ni Thelma, ang anak ng transgender movie star na si Rowena na gagampanan naman ni Rain Valdez.

Nagkomento naman kay Maricel ang co-writers ng nasabing pelikula, “Having a legendary Filipino actress like Maricel Soriano strengthens our commitment to telling our stories from our authentic experiences and for our Filipinx diaspora.”

“Now more than ever, this empowers us to further highlight our communities at a time when visibility must be taken to new heights to fight against the rise of anti-trans and anti-Asian violence.” dagdag pa nina Rachel Leyco at Rain Valdez na isa rin sa co-writers ng movie.

Magsisimulang mag-shooting ang 'Re-Live' sa Nobyembre 2022.

Post a Comment

Previous Post Next Post