Brenda Mage humingi ng tawad sa mga nasaktan niya, nilinaw na hindi siya Marites!

- Sa paglabas ni Brenda Mage ng bahay ni kuya ay sinalubong niya ang kontrobersiya

- Sa kaniyang social media accounts ay nagbahagi ng kaniyang kaganapan si Brenda

- Humingi ito ng tawad sa mga nasaktan umano niya

Sa pagpasok ng bagong taon ay siyang paglabas ni Brenda Mage mula sa bahay ni kuya matapos siyang hindi makapasok sa Top 2 ng kompetisyon.

At sa paglabas nga niya ng bahay ni Kuya ay sinalubong siya ng kontrobersiya at galit ng mga netizens na hindi natuwa sa kaniyang mga nagawa sa bahay ni Kuya.

Marami nga ang nagalit sa kaniya dahil sa tila pagiging Marites umano niya sa loob ng bahay o ang pag tsismisan ang ilang kasamahan niya sa loob ng bahay.

Kaya naman sa kaniyang facebook page ay humingi ito ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nilinaw na hindi siya isang Marites.

"Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao.. Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko i am Sorry… eto talaga ako eh… I am not MARITES but this is BRENDA MAGE … Lablablab Godbless!," sabi ni Brenda.

Anong masasabi mo sa pahayag na ito ni Brenda?

Post a Comment

Previous Post Next Post