Brenda Mage, ibinuking na mahirap 'magpa-init' ng sarili sa loob ng PBB house

- Maaaring magkaroon ng mga iba't-ibang kwento sa loob ng bahay ni Kuya gaya nga ng sinabi ni Brenda Mage

- Sa isang vlog kasi, inamin ni Brenda na ilang beses daw niyang sinubukang 'magsarili' ngunit hindi daw talaga kaya

- Iba't-ibang plano na rin daw ang ginawa niya ngunit lagi itong nahahalata sa tuwing gagawin ito kasama si 'mariang palad'

Sa isang YouTube vlog ni Tita Jegs, naimbitahan ang ex-PBB housemate na si Brenda Mage upang magtanong ng ilang katanungan na itinatanong rin ng nga netizens sa mga pumasok sa bahay ni Kuya.

Sa nasabing vlog, itinanong niya kay Brenda kung maaari nga daw bang 'magsarili' sa loob ng PBB house. Pag-amin ni Brenda Mage, ilang beses na raw niyang sinubukan ngunit mahirap daw talaga.

“Ilang beses naming triny ‘yan!” ani Brenda.

“Halimbawa, hindi kami makatulog… triny ko yung kamay ko na (takpan ng) kumot, ginanon ko,” dagdag niya pa, “Aalog talaga ang kumot eh!”

“Kung kaya mo ng five minutes na mabilisan… pero may camera kasi! Kung kaya mo ng five minutes, gawin mo,” biro pa ni Brenda.

Post a Comment

Previous Post Next Post