Cristy Fermin isiniwalat ang dahilan kung bakit nga ba inaayawan ni Kris si Robin Padilla

- Pinag-usapan nina Cristy Fermin at ng co-host nito ang ilang relationships ni Kris Aquino kasama na si Robin Padilla 

- Nai-share ni Cristy sa kanyang programa na may ginawa noon si Robin Padilla na ikina-turn off ni Kris Aquino

- Narinig daw kasi ni Kris na umutot si Robin kaya naman sinabi nitong hindi na niya ito gusto kasi wala itong galang

Sa programang “Cristy Ferminute” ni Cristy Fermin at co-host nitong si Romel, nagkaroon ulit ng chikahan patungkol naman sa mga nakaraang relationships ni Kris Aquino. 

Nadawit din ang pangalan ni Robin Padilla nang itanong ni Cristy kung bakit inayawan umano ni Kris si Robin. Tinanong niya ito sa co-host niyang si Romel. 

"Alam mo ba kung bakit inayawan ni Kris si Robin?" ani Cristy. 

Ibinahagi naman na ni Cristy kung bakit tila nawalan ng interes ang Queen of All Media sa action star. Agarang saad naman ni Cristy, niyaya daw kasi sila magsimba ni Kris sa Manaoag. Sa isang parte naman ng kanyang kwento, sinabi nitong umutot si Robin Padilla. 

“Niyaya kami magsimba ni Kris sa Manaoag. Oo niyaya kami, ano 'yan, gabi 'yan, umuwi kami madaling-araw na. Ngayon, nagsimba siya, mayroon daw siyang hihilingin sa Manaoag, sabi ni Kris. Sumama naman si Robin.” 

“Ito sigurong si Robin, bwisit na bwisit na, kay tagal-tagal magsimba ni Kris, siguro lahat na lang hinihingi sa Diyos. 

"Umutot, umutot si Robin. Nadinig ni Kris.”

Pagkatapos naman daw ng ginawa ni Robin, naisip daw umano ni Kris na walang galang si Robin dahil umutot ito sa loob ng simbahan. 

“Sabi niya (Kris), 'I don't like him na,' sabi niya nu'ng palabas na kami ng simbahan, nasa gilid kami ng daan. 'I don't like him na, he has no manners... inside the church he farted.'” 

Tinanong naman niya kung bakit umutot nang ganoon si Robin. Dipensa niya, wala na daw siyang magawa dahil nahihirapan na daw ito. 

“Sabi ko naman kay Robin, 'Anak naman, ba't sa loob ng simbahan, nadinig pa niya, umutot ka.' Sabi niya, 'E ano gagawin ko, hirap na hirap na ako. Alangan namang pigilin ko 'yung hangin.'" 

Dagdag na komento pa ni Cristy Fermin: “Very Robin Padilla, very totoo,”

Post a Comment

Previous Post Next Post