Daniel Padilla binuking na super crush ni Joshua noon si Janella Salvador

- Usap-usapan ngayon ang video kung saan magkasama sina Joshua at Daniel

- Sa naturang video ay ibinahagi ni Daniel Padilla ang isa sa secret ni Joshua Garcia

- Binuking dito ni Daniel na super crush pala noon ni Joshua si Janella

Sa ginanap na ABS-CBN Benefit show with Zanjoe Marudo ay naging guest niya sina Daniel Padilla at Joshua Garcia.

At sa nasabing show ay naglaro ang dalawa ng 'Truth or Dare', kung saan natanong si Joshua Garcia kung sino sa mga naging leading lady niya ang naging super crush niya.

At dito nga ay binuking ni Daniel na si Janella Salvador ang siyang super crush ni Joshua.

“Sabihin ko ba? Si Janella," pambubuko ni Daniel.

At saka naman kinumpirma ni Joshua ang sinabi ni Daniel at ibinahagi niyang alam naman ito ng mga malalapit niyang kaibigan.

Matatandaang nagkasama sina Joshua Garcia at Janella Salvador sa hit TV series na 'The Killer Bride'.

Panoorin ang kabuuan ng ABS-CBN Benefit show: 

Post a Comment

Previous Post Next Post