Direk Andoy Ranay, humanga kay Shanaia sa kanyang acting debut, "Parang 'di First timer"

- Nagbigay komento ang ‘Click, Like and Share’ director na si Andoy Ranay sa baguhang aktres na si Shanaia Gomez.

- Bibida ang ex-PBB housemate na si Shanaia sa isang episode ng bagong season ng ‘Click, Like and Share’ na napapanood sa iWantTFC.

- Gagampanan ni Shanaia ang role bilang kapatid ni Belle Mariano para “Swap” episode ng ‘Click, Like and Share.”

Nagpahayag ng paghanga ang director ng bagong yugto ng digital anthology series na ‘Click, Like and Share’, na si Andoy Ranay, para sa baguhang aktres na si Shanaia Gomez.

Inamin ng director na naimpress siya sa ex-PBB: Kummunity Season 10 Celebrity Edition housemate kahit na baguhan ito sa industriya ng pag-arte. “It was so easy to work with Shanaia kasi she is so interested dun sa work itself and she has the skills and she is a very intelligent person. She listens so well sa instructions pa lang and nakukuha na niya kagad. Para siyang hindi first-timer,”

Sa episode na “Swap” ay gagampanan ni Shania ang role bilang kapatid ng sikat na aktres ngayon na si Belle Mariano. “She’s very professional and para siyang clean slate na pumasok and ready to observe and absorb things around her. She did well really. Actually silang dalawa ni Belle sa episode nila ang cute cute nila magkapatid,” pagbabahagi pa ng director.

Sa kanyang panayam, nagbahagi pa si Direk Andoy kung saan kumukuha ng ideya ang mga tao sa likod ng “Click, Like and Share” para sa kanilang mga bagong kwento.

“Yung inspiration ng mga kuwento, from reality, from real-life experiences na nababasa natin o nakikita natin sa social media because we are so in it already. Like the moment we wake up, we get our phone from our bedside table and then we check our social media. So parang ilan na ba yung nag-like ng pinost mo kagabi, ilan na ba yung nag-click? Ilan na ba yung nag-share? Parang ganun eh. Our lives revolve around social media these days. Yung season 1 and season 2 ng Click, Like, Share pinakita natin doon kung ano yung mga pagkakamali in overusing social media, sa pagiging masyado tayong online. Ngayon more on family relationships, kung paano naaapektuhan yung mga relasyon ng bawat isa because of social media,” saad pa niya.

Ang ‘Click, Like, Share’ sa mapapanood sa iWantTFC at ang bagong episodes magiging available tuwing Wednesday, 8 pm. Bibida sina Jane Oineza, Elmo Magalona, Vivoree Esclito, JC Alcantara, Belle Mariano, and Shanaia Gomez sa mga bagong kwentong handog ng digital anthology series.

Post a Comment

Previous Post Next Post