Donny Pangilinan and Belle Mariano ‘are in a happy place right now’

- Naging bukas si Donny Pangilinan sa status ng kanyang relasyon sa onscreen na ka-love team na si Belle Mariano

- Idinetalye din ng aktor ang katangiang pinaka-nagustuhan niya kay Belle.

- Muli ding naghayag ng saloobin ang binata patungkol sa mga online bashers.

Sa kabila ng hindi pagtukoy sa kanilang “relationship status,” kasalukuyan namang ini-enjoy ng Kapamilya breakout star na si Donny Pangilinan ang kanyang oras kasama ang on-screen partner na si Belle Mariano.

Hindi naiwasan ng aktor ang mga nakakaintrigang tanong ni Karen Davila nang ipakita niya ang kanyang bachelor’s pad sa mamamahayag sa isang vlog na ipinalabas noong Sabado.

Siniguro ni Karen, na kilala sa mga mahihirap na tanong sa kanyang mga news program, na magtanong tungkol sa koneksyon ni Donny kay Belle sa gitna ng kanilang lumalalim na relasyon sa isa't isa bilang trending loveteam.

“Belle and I are in a happy place right now. We are very grateful for our situation. Blessed to be an inspiration to many people, hopefully. We're blessed to be having these projects together,” tugon ng binata. 

Nang madiin sa tanong kung ano ang pinakagusto niyang katangian ng aktres, sinabi ng 23-year-old actor na hinahangaan niya ang dalaga sa pagiging totoo nito sa sarili ‘unapologetically’.

 “What I like about her, she's herself. Sometimes to a fault, but in a good way. She just separates herself and she goes with what she thinks her life. Doesn't care what other people say. And I admire that about her. She's very focus,” pagpapatuloy ng binata. 

Ibinahagi rin ng binatang aktor na binibigyan siya ni Belle ng ‘sense of comfort’ tuwing magkasama sila, ngunit tumawa lamang ito sa tanong ni Karen kung nahuhulog na nga ba ang kanyang loob sa kanyang co-star.
Inihayag din ng aktor na napag-usapan na nila ang pakikitungo sa mga bashers bago muling sinabi na talented si Mariano. Nauna nang ipinagtanggol ni Pangilinan ang aktres sa online bashing.

“First of all, we don't know them. They don't know us. Belle is so talented. She has so much ahead of her. I'm just happy that I get to witness her journey,” saad niya. 

Naging sikat ang DonBelle sa nakalipas na taon sa pamamagitan ng serye ng ABS-CBN na “He’s Into Her” na sinundan ng pelikulang “Love Is Color Blind.”

Nakamit naman ng dalawang ang kanilang mga milestones na magkahiwalay, kabilang na ang paghahanda ni Belle para sa kanyang online concert, at si Donny bilang in-demand endorser bukod sa iba pa.

Post a Comment

Previous Post Next Post