Ellen Adarna, hindi makapag-focus kapag nakikita si Patrick Garcia; napaka-gwapo daw sa personal

- Tila nawawala daw sa sarili si Ellen Adarna sa tuwing makikita niya ang aktor na si Patrick Garcia

- Viral sa TikTok ang video ni Ellen kung saan tinanong siya kung sino daw ba ang pinaka-gwapong artista sa showbiz

- Sinang-ayunan naman ng nga netizens ang naging sagot ni Ellen at inamin ring nade-destruct umano siya sa eksena nila ni Patrick

Viral ang video ni Ellen Adarna sa TikTok kung saan makikita sa naturang video ang tanong kung sino nga daw ba para sa kanya ang pinaka-gwapong artista sa industriya ng showbiz. 

Kamakailan lamang nag-viral ang nasabing video na umani ng reaksiyon sa naging sagot ni Ellen. Akala daw kasi ng ilan ay sasabihin niyang si Derek ito lalo na't mag-asawa na sila. 

Tila kinagiliwan naman ng fans ang sinabi ni Ellen nang sagutin na ang tanong. Inihayag naman ng aktres ang naging karanasan niya kasama si Patrick Garcia kung saan naging asawa niya ito bilang role sa nasabing proyekto. 

Nade-destruct daw kasi siya dito sa tuwing papasok na ang eksena kung saan tititigan niya ang aktor. Palagi daw nacu-cut ang scenes dahil hindi siya makapag-focus. 

Dagdag pa ni Ellen ay sobrang gwapo daw ni Patrick lalong lalo na sa personal. Kaya maman palagi siyang nawawala sa sarili sa tuwing magkakaroon ng shooting. 

Marami naman ang nagbigay ng komento at sumang-ayon kay Ellen. Sabi ng netizens, kahit sila daw ang makatrabaho kay Patrick ay talagang kikiligin sila at mawawala sa sarili. Hindi rin daw nila alam ang gagawin sa sobrang gwapong nito, dagdag pa ng ilan.

Post a Comment

Previous Post Next Post