Fans ni Julia Baretto inaaway si Ivana Alawi ani Cristy Fermin

- Tinukoy ni Cristy Fermin na nakakatanggap umano ng mga pamba-bash si Ivana Alawi dahil sa mga fans ni Julia Baretto

- Pinunto niyang dahil inamin ni Ivana na crush niya si Joshua na naging dahilan ng alitan ng mga fans

- Dinepensahan naman ni Cristy si Ivana laban sa mga mapanirang bashers

Sa January 21, 2022 episode ng sariling showbiz show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute, diretsahang ibinida ni Cristy ang mga natatanggap na mga pamba-bash ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi laban sa mga fans ni Julia Baretto.

Sinimulan ni Cristy ang pagchi-chika sa pagpapa-alala sa kanyang co-host na si Rommel na sinabi noon ni Ivana sa mga interviews at vlog na crush niya si Joshua Garcia.

“Alam mo, noon pa kasi sa mga interview ni Ivana, kahit kay Ogie Diaz vlog, 'di ba sinabi niya talaga na crush niya si Joshua. Naku, bina-bash si Joshua at saka si Ivana sa social media. Ang kanilang sigaw, ano Romel?” panimula ni Cristy.

Tugon ni Rommel kay Cristy, "Naku, hindi raw sila magka-level ni Julia at saka si Ivana."

Tila nagreact naman si Cristy sa narinig nito at tila pinag-kumpara ang dalawang aktres na sina Ivana at Julia bilang paksa ng kanilang chikahan. Tinawag niya si Ivana na pinapangarap ng kalalakihan at si Julia naman ay inihambing sa numerong 1.

“Oh sa katawan na katawan na lang, ang hubog ng katawan ni Ivana Alawi ay ang pinapangarap ng mga kalalakihan. E si Julia, mukhang 'number 1', isang diretso. Oh magpakatotoo na tayo. Pipintas-pintas kayo kay Ivana, sana tingnan niyo muna. Hindi raw bagay, napakalayo raw ni Julia kay Ivana. Talagang napakalayo, kilometriko ang agwat”

Napansin naman niya ang mga kagandahang asal at ugali ni Ivana kung kaya't nai-kwento pa niya ito sa kanyang vlog. 

“Mahal ang pamilya, lalo na 'yung kapatid niyang si Mona, mahal na mahal niya. At mapagmahal siya sa kanyang kapwa. Malayo talaga. At saka kahit pa malayo, kung type naman ni Joshua, anong magagawa natin?”

Post a Comment

Previous Post Next Post