Ginawang transformation ni Vicki Belo para kay Francine Diaz, Viral!

- Tila naiinsecure raw ang aktres na si Francine sa cheek part ng kanyang mukha kaya naman nagpunta ito kay Vicki Belo

- Ibinahagi ni Vicki ang tinatawag niyang “skin reboot” para tanggalin ang face fats at para gawing mas “slim” ang kanyang mukha

- Ito ang pangalawang video ni Belo na nagviral sa ginawa niyang mga transformations sa mga artista ngayong 2022

Si France Diaz naman ang dumalo sa skin expert na si Vicki Belo upang tanggalin naman ang kanyang insecurities sa bahaging mukha. Katulad ng ginawa kay Janella Salvador, nagkaroon ng bonggang transformation ang Kapamilya star.

“Ito po eh, ito po talaga 'yung tumataba doktora eh hindi siya madalas pumupunta sa tiyan dito po siya pumupunta. Ito po talaga 'yung number 1 na pinaka naiinsecure ako sa sarili ko” saad ni Francine habang tinuturo niya ang kanyang pisngi.

Naunawaan naman daw ni Belo na ang pinaka magandang gawin sa mukha ni Francine ay ang ipinagmamalaki niyang “skin reboot” kung saan papaliitin nito ang face fats.

Ayon sa kanya, gumagamit ang machine na ito ng “RF Energy” para mag-“tighten” ang balat at tanggalin ang mga taba ng mukha. Isa rin ang “microcurrent” sa benefit ng skin reboot machine na nakakapagpatalas daw ng facial muscles.

Witty pa rin ang comments ng mga netizens na sinasabing hindi naman daw sila pangit, wala lang daw talaga silang pera. Hirit ng ilan na umani ng maraming likes sa comments section.

Narito ang viral video ni Vicki Belo:
@vicki_belo Reboot your skin with @francinesaenz_ ! #skin #skincare #skincare101 #skintok #facial #facialtreatment #dermatologist #fyp ♬ She Share Story (for Vlog) - 山口夕依

Post a Comment

Previous Post Next Post