Jake Cuenca, Ibinuking na napapakalma siya ni Kylie sa tuwing 'pinapakain' ito ng...

- Ibinuking ni Kylie Versoza kung anong ginagawa niya sa tuwing pinapakalma niya si Jake

- Sinagot ito ng magkarelasyon sa online benefit show ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Odette 

- Isa kasi ang tanong sa challenge kung paano napapakalma si Jake ng isang babae sa tuwing may problema ito

Maliban sa pinag-usapang pahayag ni Seth Fedelin patungkol sa kanyang 'mahal' ay ibinuking naman ng aktres na si Kylie Versoza kung ano ang ginagawa niya kay Jake Cuenca upang pakalmahin ito. 

Sa parehong segment na 'Truth or Dare' ng ABS-CBN para sa mga tinamaan ng typhoon Odette na isang benefit show, natanong si Jake kung paano ito napapakalma ng isang babae sa panahong natetensiyon o may pinagdadaan sa buhay. 

Hindi naman ito sinagot ng aktor at sa halip ay itinuon ang tanong sa kanyang girlfriend na si Kylie. Marami raw siyang ginagawang pampatanggal tensyon kay Jake at isa na nga rito ang pagluluto ng pagkain sa kanyang boyfriend. 

“Kailangan mo siyang pakainin. Bilhin mo ’yung food o lutuan mo ng favorite niyang pagkain. Kaunting effort lang. Maging sweet ka lang. Hug, ganyan. Okay na siya nu’n. Lambing lang ’yan,” seryosong sagot ni Kylie. 

Samantala, nag-react naman si Jake Cuenca sa movie ni Kylie na “My Husband, My Lover” kamakailan. Sinabi ng dating beauty queen na hindi niya alam kung paano tutugon si Jake lalo na't pati siya ay nagulat na maraming love scenes ang trailer ng pelikula.

Masaya naman ngayon ang buhay ng dalawa habang napapanood naman ang Kapamilya hunk gabi-gabi sa 'Viral Scandal' pagkatapos ng 'The Broken Marriage Vow'.

Post a Comment

Previous Post Next Post