Janella Salvador, may komento kay Joshua; 'very good friends' lang daw sila

- Matatandaang ibinuking ni Daniel Padilla na may crush si Joshua Garcia sa Kapamilya actress na si Janella Salvador noon

- Sa parehong panayam rin ay sinang-ayunan ng aktor ang naging rebelasyon ni Daniel ukol sa kanyang crush

- Nagkomento naman ang aktres kay Joshua hinggil sa pagkakaroon ng pagtingin sa kanya ng aktor

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang Kapamilya star na si Janella Salvador patungkol sa rebelasyon ni Daniel Padilla na crush siya ni Joshua Garcia. Tila na-hot seat si Janella nang tanungin kung anong reaksyon niya sa balitang iyon.

"Sinabi naman niya yun sakin dati." Panimula ni Janella.

Ayon rin sa kanya, matagal niya nang alam na crush siya ng aktor simula pa noong namamayagpag pa sa ere ang teleserye nilang 'The Killer Bride', "Nung killer bride pa, he told me. Saka nakita ko din yung ibang interviews niya dati so napag-usapan namin yun ni Joshua dati," pag-amin ng aktres.

Isa rin daw sa magandang pag-uugali ni Joshua ay nirespeto nito kung ano ang naging opinyon niya, "Natuwa ako sa kanya kasi yung pagkasabi niya sa akin he really respects me so, yun yung maganda kay Joshua.”

Ayon rin sa kanya ay talagang 'very good friends' ang pagsasamahan nila ni Joshua. Mensahe pa ni Janella, deserve raw ng aktor na umabot ng halos 100 million ang unang TikTok video ni Josh, "Magiging masaya rin si Joshua, deserve niya 'yun.”

Post a Comment

Previous Post Next Post