Janine, sinagot si Paulo kung 'jojowain' o 'totropahin': “Pinakasalan na nga kita eh”

- Malaking kilig ang dinala nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa benefit interactive show ng ABS-CBN

- Tinanong rin ng aktor kung talaga nga daw bang “type” siya ni Janine na sanhi ng pagkagulat ng ilang hosts

- Kilig overload din nang tanungin na ni Paulo kay Janine kung totropahin o jojowain siya nito

Malaking kilig ang hatid ng tambalang Paulo Avelino at Janine Gutierrez ng 'Marry Me, Marry You' sa benefit interactive show ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Odette kamakailan. 

Sa “truth or dare” segment ng nasabing programa ay naging special guests ang dalawang Kapamilya stars na sina Paulo Avelino at JC De Vera. Sinorpresa naman ni Paulo ang kanyang leading lady sa katatapos lang na seryeng 'Marry Me, Marry You'.

Pagbati ni Janine na gumanap na Cam-cam sa serye kay Paulo Avelino bilang si Andrei, “Andrei ‘wag ka nang magtampo dahil kahit na hindi tayo magkasama ngayon ay alam mong nandito si Cam-cam mo para sa ‘yo.”

Kilig na kilig namang nanonood sina Alora at Darla habang nakangiti naman ang aktor.  “May question, type mo raw ba ako?” tanong ni Paulo kay Janine. 

Sagot ng aktres, “Tawag ka ulit pag umabot ng P2 million (ang nakalap na donasyon).”

Tinanong naman muli ni Paulo si Janine at binanggit na rin ang tanong na gustong marinig ng fans, “Sasagutin mo na ako kapag umabot ng 2 million? Jojowain ba ako o totropahin mo raw ba ako?”

Pinakasalan na nga kita, eh (sa kanilang serye),” sagot ng aktres habang napasigaw pa sa kilig sina Darla at Alora.

Ibinalik muli ng aktor ang tanong sa aktres, “E, sa show ('yun), di ba?” 

“Dahil naka-two million kayo, jojowain,” malinaw na sagot ni Janine.

Post a Comment

Previous Post Next Post