KD Estrada, binasag na ang mga haka-hakang hindi maganda ang relasyon nila ni Anji Salvacion

- Kinuwento na ni KD sa isang ABS-CBN reporter ang tunay na estado ng relasyon nila ni Anji Salvacion

- Matatandaan kasing sinabi noon ni Anji sa isang panayam na tila hindi maganda ang pakikipagkaibigan nila ni KD

- Sa ngayon naman ay pinagkakaabalahan ni KD ang kanyang career bilang isang Kapamilya singer at actor 

Naglabas na ng pahayag ang young star na si KD Estrada patungkol sa kanilang estado ng relasyon nila ni Anji Salvacion na parehas sumabak noon sa PBB Celebrity edition last year. 

Nilinaw na niya sa interview ng ABS-CBN na  hawak ng Kapamilya reporter na si Miguel Dumaual na maayos naman ang pagitan nila ni Anji. 

“At this point, we’re good. Me and Anji are okay. There was an issue din about a few days ago, sa Kapamilya live chat, it was about me. But I just wanna say na, to everyone listening out there, me and Anji are good, we’re civil naman,” panimulang pahayag niya sa panayam. 

“Hopefully, there’s no more bashing against each other, no more fan wars,” saad pa niya.

Matatandaan kasi noon na gumawa ng ingay sa social media si Anji Salvacion na hindi daw umano maganda at tila iniiwasan siya ni KD. Inamin rin ng dalaga na nalulungkot siya sa naging estado ng relasyon nila ni KD pagkatapos umalis sa loob ng bahay ni Kuya.

Ito naman ang nilinaw ni KD at sinabing ayos naman ang lahat at sana'y hindi na mag-away ang mga fans.

Post a Comment

Previous Post Next Post